Dakilang Asal - Aurelio Tolentino


Aurelio Tolentino

Dakilang Asal

I

PAUNAWA

O kabinataang bagong sumisibol,
itong abang lagda sa iyo'y patunkol.
Pakatandaan mo itong m~ga hatol
na dan~gal at buhay n~g lahat n~g dunong.

Ang pagpipitaga't pakikipagkapua
ay siyang sagisag n~g pagka-dakila;
kapág sa sinuman ito ay nawala,
iyan ay di dapat, humarap sa madla.

Di sukat ang ganda, di sukat ang yaman,
di sukat ang dunong at lahat n~g inam;
kapag ang sagisag na aking tinuran
ay siyang nawala, ang lahat ay kulang.

Ang pagkamabaít, ang pagka-mahinhin,
ang pagka-matapat at anyong butihin
ay siyang palamuting sa tuina'y dadalhin,
ang iyong ugali upang magluningning.

Sapul pa n~g ikaw ay batang maliit
may tungkulin ka n~g lubhang mahihigpit,
gaya n~g huag bigyan n~g munting ligalig
ang kawawang inang sa iyo'y ninibig.

Ikaw ay lumaki at lumaki naman
ang iyong tungkuling akin n~g tinuran:
n~g una'y ang iyong mundo ay kandun~gan
n~g inang malugod, n~gayon ay ang bayan.

II

KATUNGKULAN SA M~GA MAGULANG, MAESTRO, KAPATID, KAMAGANAK AT SA LAHAT N~G KAPWA

Pipintuhuin mo't panuyuang kusa
ang iyong magulang na mapag-aruga,
sila'y pan~galawa ni Poong Bathala
na dapat igalang sa balat, n~g lupa.

¿May mahal pa kaya sa hinin~gang tan~gan?
Ang iyong hinin~ga sa kanila'y utang.
Ang pinagpalaki sa iyo'y paghirang,
puyat, pawis, hirap at sampu n~g buhay.

Ang kahima't sila ay nan~gahihimbing,
kapag nain~git ka sila'y gumigising;
kinandong-kandong ka at inaliw-aliw
at pinalayawan n~g saganang lambing.

Sa gayong kalaking utang na tinangap
mo n~ga sa kanila'y ¿anong ibabayad?
Alayan man sila n~g lahat n~g lin~gap,
kulang at sa utang mo n~ga'y di pa sukat.

Salamat na lamang at di maninin~gil,
ang puhunan nila'y di ibig bawiin;
sakali ma't sila ay alalahanin
n~g kahit bahagya'y malaki n~g turing.

Pagkagising mo na ay agad n~g hagkan
ang pisn~gi n~g ina't ang sa amang kamay,
kasabay n~g bating malugod na "¡Inay!"
sa ama'y gayon din, ang bati ay "¡Tatay!"

Kung matutulug na saka uulitin
ang halik at bating paalam n~g lambing;
n~guni't sa tui-tui na ito'y bago gawin,
ang kailan~gan nila muna'y siyasatin.

Kung sakaling ikaw ay mapan~gusapan,
sa ano mang bagay kaya'y parusahan,
ay ipag-sayá mo't darating ang araw
na matutunayang iyo'y pagmamahal.

Ang m~ga inali, at ang mga mama,
at ang ina-ama,t ini-ina kaya,
at ang m~ga nuno, at ang matatanda
ay kaila~gang lubos na pintuhuin n~ga.

At ang m~ga iyong lahat na kapatid
ay pakamahalin n~g boong pag-ibig;
sa m~ga alila ay huag magmasun~git
pagka't sila'y kapua, dukha lamang tikis.

Sa lahat n~g tao'y lubos magpitagan,
n~g upanding ikaw naman ay igalang;
sakaling sa iyo sino ma'y magkulang,
kahabagan siya't pagdaka'y talikdan.

Ang maestro'y siyang pan~galawang ama,
ang maestra nama'y pan~galawang ina,
kaya dapat n~ganing pintuhuin sila
at mahaling lubos n~g boong pagsinta.

Binalankas lamang, kung baga sa bahay,
ang iyong ugali n~g iyong magulang;
n~guni't ang maestro'y siyang nagbibigay
n~g dakilang gangda't m~ga kasankapan.

Dahil sa kanila ay maihaharap
ang iyong ugali sa sino mang pantas,
sa pagka't sa dunong ay hindi n~ga salat,
sa lusok na asal nama'y hindi hubad.

At katunkulan mong lubos na mahigpit
sa iyong pag-aaral ang pagsusumakit;
ang lahat n~g turo nila'y isa-isip,
sa lahat n~g hatol nila ay manalig.

Nan~gun~guna sila't ang dala ay ilaw
sa landas n~g iyong madilim na buhay;
tanang hakbang nila ay malapit sundan,
n~g upanding ikaw ay huag maligaw.

III

SA PAGLILINIS N~G KATAWAN AT PAG-AYOS N~G BAHAY

Pagbaban~gon mo na'y agad maghilamos,
magpunas n~g kamay at saka magmumog,
maglinis n~g n~gipin, maghusay n~g buhok,
damit na pangbahay pagdaka'y isuot.

Pagkatapos nito ay agad ganapin
ang datihang iyong katunkulang gawin,
at maminsan minsa'y ang kuko'y putulin
at saka maligong magkubli sa tin~gin.

Ang babayi'y dapat ayusin ang bahay,
linisin ang sahig sampong kasankapan;
sa kani-kaniyang dako ay ilagay
ang lalong maliit na ari-arian.

Bahay na maayos ay parang salamin
n~g nagawing buhay sa pagka-mahinhin;
bahay na magulo'y nagpasabing tambing
n~g ugaling salat sa turong magaling.

Kailan~gang harapi't siyasating lahat
ang sa pamamahay gawang nararapat,
at huag sayan~gin ang kabit nang oras,
magagawa n~gayo'y huag ipagpabukas.

M~ga kasankapang iyong magagamit,
kung saan kinuha ay isawling saglit;
huag pabayaang masira't mawaglit,
pinuhunan dian ay maraming pawis.

Ang itak, ang sandok, ang saro, ang pingan,
ang walis, pamunas, lamesa't upuan,
tanang kasankapang kaliit liitan
may kani-kaniyang dapat na kalagyan.

Makita mo'y kahit iisang karayom
na kakalat-kalat ó kaya natapon,
pulutin mo agad at ilagay doon
sa kung saan dapat, sa lalagyáng ukol.

Karayum ay mura't walang kasaysayan,
n~guni't hindi ito ang siyang kahulugan:
karayum na walá sa dapat kalagyan
ay nagbabalitang musmos ang may-bahay.

IV

SA PAGBIBIHIS

Ang damit na iyong dapat na isuot
ay huag ang masagwa't huag ang dukhang lubos
ang tipon n~g ganda't inam na tibubos
na sa katamtamang sa kulay ay ayos.

Kailan~gang sumunod sa ugaling moda,
n~guni't huag lumampas n~g di tawanan ka,
at huag kang magsuot n~g hindi mo kaya:
ang mahal ay pan~git sa dukhang talaga.

Paka-in~gatan mo ang iyong pananamit.
n~g huag madun~gisan at n~g di mapunit;
mainam ang luma, kung buo,t malinis,
kay sa bagong wasak ó may duming bahid.

Marikit ang murang hiyas kay sa mahal,
kung ang gumagamit ay dukha n~gang tunay;
ang dukhang magsuot n~g aring marin~gal
kahit man binili, parang hiram lamang.

Kahit na sa bahay ay dapat magsuot
n~g damit na puting talagang pangloob,
at huag mong gayahan ang asal na buktot
sa gawing malinaw ¡Hubu't hubad halos!

Limutin ang cotso, at magbotitos ka,
ang paa mo't binti upang huag makita:
babaying may puri di dapat magtinda
n~g dapat itago sa alin mang mata.

Botitos ay mura, bukod sa mainam,
at talagang dapat sa mahinhing asal;
cotso't sapatilya ay napakamahal,
sa may hiyang paa talagang di bagay.

Di mo masasabing mahal na tibubos,
sapagka,t matibay kung gawang tagalog:
ang tatlo mang cotso'y masisirang sunod
bago makawasak n~g isang botitos.

At gayon din naman ang medias ay mura,
n~guni at mahal ma'y dapat bumili ka:
iyan n~ga ang tabing, sa mata n~g iba,
n~g binting ma'y dan~gal at ma'y puring paa.

Maging sa bahay ma't maging sa lansan~gan
ay huag mong limutin ang panyong alampay:
alampay ay siyang tabing na tangulan
n~g dibdib-mu't batok sa mata n~g bayan.

Kalsonsilyong puti na hahangang tuhod
ay dapat gamiting damit na pangloob,
ang puri mo'y upang di sumabog-sabog
sa m~ga hagdana't lilipatang bakod.

Ang tapis ay huag mong limutin kailan man,
sa bihis tagalog sadyang kasangkapan:
ang baro at saya kahit mura lamang
ay áko n~g tapis, kung ma'y sadyang inam.

Huag kang maniwalang nagbuhat ang tapis
sa kakastilaang dito ay sumapit:
m~ga nuno natin n~g tapi'y gumamit,
tapis ay nangaling sa taping binangit.

Paka-in~gatan mo ang gawang magbihis,
ang samâ at buti'y dian masisilip;
diyan nahahayag ang tinagong bait,