N~gayo,i, dinguin mo naman at aquing sasaysayin yamang hinihin~gi mo ang magandang aral na tinangap co cay Doña Prudencia na aquing Maestra. Natatanto mo, na aco,i, marunong nang bumasa nang sulat nang taong 185 na cata,i magcahiualay. Pag dating co rini, ay ang una, unang ipinaquilala sa aquin, ay ang catungculan nating cumilala, mamintuho, maglingcód at umibig sa Dios; ang icalaua,i, ang cautan~gan natin sa ganang ating sarili; at ang icatlo,i; ang paquiquipagcapoua tauo. N~guni, at sa pagca ang sulat na ito ay hahabang lubha, cun aquing saysayin itong man~ga daquilang catungculan nang tauo, bucód dito nama.i, n~gayong, á las sieting mahiguit nang umaga na aco,i, sumusulat, ay malapit na ang oras nang pag-aaral co, ay sa icalauang sulat mo na hintin ang pag sunód co sa cahin~gian mo: Adios, Feliza.URBÀNA.
ANG CATUNGCULAN NANG TAUO
SA DÍOSSi Urbana cay Feliza.MANILA
FELIZA: N~gayon tutupdin ang cahin~gian mo, na ipinan~gaco co so iyo sa huling sulat fecha....
Sa man~ga panahóng itong itinirá co sa Ciudad, ay marami ang dumarating na bata, na ipinagcacatiuala nang magulang sa aquing maestra, at ipinag bibilin na pag pilitang macatalastás nang tatlong daquilang catungculan nang bata na sinaysay co sa iyo. Sa manga batang ito, na ang iba,i, casing edad mo, at ang iba,i, humiguit cumulang, ay na pag quiquilala ang magulang na pinagmulan, sa cani-canilang cabaitan ó cabuhalhalán nang asal. Sa carunun~gang cumilala sa Dios ó sa cahan~galan, ay nahahayág ang casipagan nang marunong na magulang na magturo sa anac, ó ang capabayaan. Sa man~ga batang ito,i, ang iba,i, hindi marunong nang ano mang dasal na malalaman sa doctrina cristiana, na para baga nang Ama namin, sumasampalataya, punong sinasampalatayanan, na sa canilang edad disin, ay dapat nang maalaman nang bata, caya hindi maca sagót sa aming pagdarasál ó maca sagót man ang iba,i, hindi magauing lumuhód, ó di matutong uman-yó, na nauucol bagang gauin sa harapán nang Dios. Sa pag darasál namin, ay nag lulupagui, sa pagsimba,i, nag papalin~galin~ga, sa pagcain ay nag sasalaulâ, sa pag lalaro,i, nananampalasan sa capoua bata, ó nan~gun~gusap caya nang di catouiran; caya ang man~ga batang ito,i, maquita mo lamang ay maca pag dadalang galit. ¡Oh Feliza, gandang palad natin, at pinagcalooban tayo nang Pan~ginoong Dios nang marunong na magulang! Dahilan sá cahangalang ito nang man~ga bata, ay di unang itinuro nang Maestra,i, ang dasalan, at nang matutong cumilala at maglingcód sa Dios; ang pagbasa nang sulat, cuenta, pagsulat, pananahi, at nang maalis sa cahan~galan. Dinguin mo naman ang aming gagauin sa arao arao.
Sa umagang pagca guising bago cami malis sa hihigán, nag cucruz muna, nagpupuri,t, nagpapasalamat sa Dios, para rin naman nang itinuturo sa atin nang canitang magulang. Macaraan ang ilang minuto, maniniclohód cami saharapán nang larauan nang ating Pan~ginoong Jesucristo at ni Guinoong Santa Maria, ihahayin ang púso sa pag lilingcód sa Dios sa arao na yaon, hihin~gi nang gracia na icaiilag sa casalanan. Cun matapos ito,i, maghihilamos, magsusuclay, magbibihis nang damit na malinis, patutun~go sa hagdanan, at bago manaog ay magcucruz muna, yayauo sa simbahan; sa paglacad namin ipinagbabaual ang magpalin~gap-lin~gap, ang maglaró at magtauánan. Pagdating sa pintoan nang simbahan, ay magdarasál ang baua,t, isa sa amin nang panalan~ging sinipi sa salmo na na sa ejercicio cuotidiano. Pagcaoc nang tubig na bendita, ay iniaalay co sa aquing maestra, sapagca,t, cautusán, na cun may casamang mahal ó matandá, ay dapat ialay. Pagca tapos, ay lalacad at maniniclohód sa harap nang Santísimo Sacramento; ang iba,i, magdarasál nang rosario, ang iba,i, may hauac na libro sa camáy at dinadasál ang man~ga panalan~ging ucol sa pagsisimbá. Sa pagluhód namin, ay ibinabaual nang Maestra, na palibotlibotin ang matá, itinuturo na itun~gó ang ulo, at nang houag malibáng sa lumalabas at pumapasoc na tauo. Cun cami,i, naquiquinyig nang sermón, ay tinutulutang umupó cami, n~guni, ipinagbabaual ang maningcayád, sapagca,t, sa lalaqui ma,t, sa babaye, ay mahalay tingnan ang upòng ito, at tila ucol lamang sa hayop. Sa Pagupó namin, ay ipinagbibilin nang Maestra na cami ay magpacahinhin, itatahimic ang bibig, matá at boong catauan, paquiquingang magaling ang aral nang Dios Espíritu Santo, na ipinahahayág nang Sacerdote Feliza, nan~gan~galó na ang camáy co sa pagsúlat, ay sa iba nang arao sasaysayin co sa iyo ang man~ga biling ucol sa paglagay sa simbahan. Ihalic mo aco sa camay ni ama,t, ni ina: Adios, hangang sa isang sulat.URBANA.
ANG AASALIN SA SIMBAHAN
Si Urbana cay Feliza.MANILA....
FELIZA: Napatid ang hulí cong sulat sa pagsasaysay nang tapát na caasalan, na sucat sundin sa loob nang simbahan: n~gayo,i, ipatutuloy co. Marami ang naquiquita sa man~ga babayeng nagsisipasoc sa simbahan, na lumalacad na di nagdarahan, nagpapacagaslao-gaslao, at cun mariquit ang cagayacan, ay nagpapalin~gaplin~gap, na anaqui tinitin~gnan cun may nararahuyo sa caniya. Marami ang namamanyo nang nan~gan~ganinag, nacabin~git lamang sa ulo at ang modang ito,i, dala hangang sa paquiquinabang at pagcocompisál. ¡Oh Feliza! ¿napasaan caya ang galang sa lugar Santo? ¿napasaan caya ang canilang cahinhinán? Diyata,i, lilimutin na nang man~ga babayeng cristiano yaong utos sa canila ni S. Pablo, na pinapagtataquip nang muc-ha sa loob nang simbahan, pacundan~gan sa man~ga Angeles?3 ¿Diyata,i, hangang sa confesionario,i, dadalhin ang capan~gahasang di nagpipitagang itanyág ang muc-há sa Sacerdote? may naquiquita namang naquiquipagtauánan sa capoua babaye; ó uupó caya at maquiquipagn~gitian sa lalaquing nanasoc, ano pa n~ga,t, sampo nang bahay nang Dios ay guinagauang lugar nang pagcacasala.
Itong man~ga biling huli na ucol sa lalaque, ay ipahayag mo cay Honesto, na bunsó tang capatid. Pagbilinan mo, na pagpasoc sa simbahan, ay houag maquipagumpucan sa capoua bata, nang houag mabighani sa pagtatauanan at pagbibiroan. Maniniclohód nang boong galang sa harapán nang Dios, magdarasál nang rosario, at houag tularan ang naquiquita sa iba, sa matanda ma,t, sa bata na nacatin~gala, nacabucá ang bibig na parang isang han~gal, na napahuhula. Houag bobonotin ang paa sa chapin, sapagca,t, isang casalaulaan. At sa iyo, Feliza, ang hulí cong bilin, ay houag mong bobonotin sa simbahan at saan man ang paa sa chinelas, at pagpilitan mong matacpán nang saya, sapagca,t, ga nacamumuhí sa malinis na matá ang ipaquita. Ipahayag mo cay ama,t, cay ina ang boong cagalan~gan co: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.URBANA.
CAGAGAUAN NI URBANA
SA BAHAY NANG MAESTRASi Urbana cay Feliza.MANILA....
FELIZA: Sa a las siete,t, cami macasimbá na, cacain cami sa agahan, pagcatapos ay maglilibanglibang ó maghuhusay caya nang cani-caniyang casangcapan, sapagca,t, ang calinisán at cahusáyan, ay hinahanap nang matá nang tauo, tauong náguising at namulat sa cahusayan at calinisan. A las ocho, gagamit ang isa,t, isa nang librong pinagaaralan; ang iba,i, darampót nang pluma, tintero,t, ibang casangcapang ucol sa pagsulat, magdarasál na sumandali bago umupó sa pagaarál, hihin~ging tulong sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang matutuhan ang pinagaaralan; magaaral hangang á las diez, oras nang pagleleccion sá amin nang Maestra; pagcatapos, magdarasál nang rosario ni Guinoong Santa Maria. Pag nacadasál na nang rosario, aco,i, nananahí, ó naglilinis caya nang damit, at pag cumain ay iguinagayac co ang servilleta, linilinis co ang tenedor, cuchara at cuchillo, na guinagamit sa lamesa. Ang lahat nang ito,i, cung maquita nang Maestrang marumi, ay cami,i, pinarurusahan. Pagtugtog nang á las doce, oras nang aming pagcain ay pasasa mesa cami, lalapit ang isa,t, isa sa cani-caniyang loclocan, magbebendicion ang Maestra sa cacanin, caming man~ga bata,i, sumasagót nacatindig na lahat, ang cataua,i, matouid at iniaanyó sa lugar. Pagcarinig namin nang n~galang Jesus at Gloria Patri, ay itinutun~gó ang ulo, at saca cami,i lumuloclóc sa pagcain. Pagcatapos, magpupuri,t, magpapasalamat sa Dios. Sa hapon cami ay nagaaral para rin sa umaga. Pagtugtog nang Ave Maria ay magdarasal cami nang pagbati nang Angel cay Guinoong Santa Maria, na paluhód; sa arao nang Sabado at Domingo nan~g hapon, ay patindig, at gayon din naman magmulá sa Sabado Santo hangang sa Sábadong vísperas nang Santísima Trinidad. Gayon ang bilin nang Santo Papa, na nagcaloob nang indulgencia sa dasal na ito. Pagcatapos, sino ma,i, ualang tumitindig sa amin hangang hindi nan~gun~guna ang Maestra, at saca nagbibigay nang magandang gabi sa caniya. Sa gabi magdarasál nang rosario, pagcatapos, magaaral nang dasál ang iba, at ang iba nama,i, tinuturuan nang Maestra nang paquiquipagcapoua tauo. A las ocho cami humahapon; pagcatapos, naglilibang, naglalaró ang iba, at ang iba,i, nagsasalitaan. A las nueve y media, cami,i, nagdarasál na saglit, isang cuartong oras bumabasa nang gunamgunam, pagcatapos, pagdidili-dilihin ang binasa, magaalaala nang casalanang nagaua sa arao na yaon; at inahihin~gi nang tauad sa Panginoong Dios. May isang bumabasa sa amin naman niyaong man~ga uica, na gunam gunamin na ang pagtulog ay larauan nang camatáyan, at ang hinihigang banig, ay cahalimbaua nang hucay; hindi nalalaman nang isa,t, isa, na cun sa gabing iya,i, hahatulan nang Dios, na ipa-paris sa haring Baltazar na pinangusapan. Sa gabing ito,i, huhugutin ang caloloua mo sa iyong catauan. Macalauà isang lingo, nagcocompisal aco at naquiquinabang; ang iba,i, minsan sa isang buan, ó lingo, at ang sinusunod ang utos nang man~ga confesores. Ang lahat na ito, Feliza, ay alinsunurin mo, at siya mo rin namang ituro cay Honesto, sapagca,t, nauucol sapaglilingcód sa Dios, sa paquiquipagcapoua tauo: Adios, Feliza.URBANA.
CAASALAN NI HONESTO
ULIRAN NA NG MAN~GA BATASi Feliza cay Urbana.PAOMBON
URBANA: Si Honesto,t, aco,i, nagpapasalamat sa iyo, sa matatáas na hatol na inilalaman mo sa iyong mán~ga sulat. Cun ang batang ito maquita mo disin, ay malulugód cang di hamac at mauiuica mo, na ang caniyang mahinhing asal ay cabati nang Honesto niyang pan~galan. Masunurin sa ating magulang, mapagtiis sa capoua bata, hindi mabuyó sa paquiquipagauay, at manga pan~gungusap na di catouiran. Mauilihin sa pagaaral at sa pananalan~gin; pagcaumaga,i, mananaog sa halamanan, pipitás nang san~gáng may man~ga bulaclac, pinagsasalitsalit, iba,t, ibang culay, pinagaayos, guinagauang ramillete, inilalagay sa harap nang larauan ni Guinoong Santa Maria; isáng azucena ang inauucol sa iyo, isang lirio ang sa aquin, at paghahain sa Reina nang man~ga Virgenes ay linalangcapán nang tatlong Aba Guinoong Maria. Cun macapagcompisal na at saca maquinabang ang isip co,i, Angelito, na cumacain nang tinapay nang man~ga Angeles, at ga naquita co, na ang pagibig at puring sinasambitlâ nang caniyang inocenteng labi, ay quinalulugdan nang Dios na Sangól, na hari nang man~ga inocentes. Ipatuloy mo, Urbana, ang iyong págsulat, at nang paquinaban~gan namin: Adios, Urbana.FELIZA.
CAASALAN SA SARILI
Si Urbana cay Feliza.MANILA
FELIZA: Aquing naisulat na sa iyo, ang madlang cahatoláng ucol sa paglilingcód sa Dios, n~gayo,i, isusunód co áng nauucol sa sarili nating catauan. Sabihin mo cay Honesto, na bago masoc sa escuela, maghihilamos muna, suclain aayosin ang buhóc, at ang baro,t, salauál na gagamitin ay malinis; n~guni,t, ang calinisa,i, houag iuucol sa pagpapalalo. Houag pahahabaing lubha ang buhóc na parang tulisan, sapagca,t, ito ang quinagagauian nang masasamang tauo. Ang cucó houag pahahabain, sapagca,t, cun mahaba, ay pinagcacaratihang icamot sa sugat, sa ano mang dumi nang catauan, nadurumhan ang cucó, ay nacaririmarim, lalonglalo na sa pagcain. Bago magalmosal, ay magbigay muna nang magandang arao sa magulang, maestro ó sa iba cayang pinaca matandá sa bahay. Sa pagcain, ay papamihasahin mo sa pagbebendición muna, at pagcatapos, ay magpasalamat sa Dios. Cun madurumhán ang camay, muc-ha ó damit, ay maglinis muna bago pa sa escuela. Houag mong pababayaan, na ang plana, materia, tarsilla ó regla, papel, libro,t, lahat nang ga~gamitin sa escuela ay maguing dun~gis dun~gisan. Cun naquíquipagusap sa capoua tauo, ay houag magpapaquita nang cadun~goan, ang pan~gun~gusap ay totouirin, houag hahaloan nang lanyós ó lambing houag cacamotcamot ó hihilurin caya ang camáy ó babasin nang lauay ang daliri at ihihilod mo pa n~ga,t, houag magpapaquita nang casalaolaan. Sa harap nang ating magulang ó matandá caya, ay houag mong pababayaang manabaco, ó man~gusap caya nang calapastan~ganan, ó matunog na sabi. Cun naquiquipaglarô sa capoua bata, ay houag tulutan na maglapastan~gan, ó dumhán caya ang damit nang iba, at pagpilitian mo na yaong caraniuang uicain nang tauo, na ang masamá sa iyo,i, houag mong gauin sa iyong capoua, ay itanim sa dibdib at alinsunurin. Sa capoua bata, ay houag magbibigay nang cacanin na may cagat, ó marumi. Matanda at bata, ay may pinagcacaratihang casalaolaan, na carima-rimarin. Cun naquiquipagusap sa capoua tauo, caraca-raca,i, ilalagay ang daliri sa ilóng at sisin~gá. Ca-iin~gat, Feliza, na ito,i, gauin ni Honesto. Cun sisin~ga man ay sa panyô ay marahang gagauin, itatalicód ang muc-há ó lumayo caya. May isa pang pinagcacabihasnan ang caramihan nang tauo, na cun naquiquipagusap sa capoua, ay ang camáy ay iquinacamot sa haráp. ¡Asal na cahalayhalayan na nacapopoot sa malilinis na loob. Caiin~gat na ito,i, pagcaratihan nang bata. Cun may lalabas na masamang amoy, ay lumayo sa tauo, houag pamalay at nang di mapan~ganlang salahula: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.URBANA.
SA ESCUELAHAN
Si Urbana cay Feliza.MANILA
FELIZA: Itong man~ga huling sulat co, sa iyo, na may nanucol sa calagayan mo, at ang iba,i, aral cay Honesto, ay ipinaoonaua co, na di sa sariling isip hinan~go, cun di may sinipi sa man~ga casulatan, at ang caramihan ay aral na tinangáp co cay Doña Prudencia, na aquing Maestra: at siyang sinusunód sa escuela namin caya ibig co disin, na sa ating man~ga camaganac, sa man~ga escuela sa bayan at man~ga barrio, ay magcaroon nang man~ga salin at pag aralan nang man~ga bata. Ipatuloy co ang pagsasaysay nang man~ga cahatolan.4
Si Honesto, bago pa sa escuela, ay pabebendicion muna cay ama,t, cay ina; sa lansan~gan, houag maquiquialám sa man~ga pulong at auay na tinatamaan, matouid ang lacád, houag ngin~gisi-n~gisi, manglilibác sa capoua bata, ó lalapastan~gan sa matandá, at nang houag mauica nang tauo, na ualang pinagaralan sa magulang. Cun magdaraan sa harap nang simbahan, ay magpupugay, at cun nalalapit sa pintoan ay yuyucód. Pagdating sa bahay nang maestro ay magpupugay, magbibigay nang magandang arao, ó magandang hapon, magdasál na saglit sa haráp nang man~ga santong larauan, na pinagdadasalán nang man~ga escuela, hihin~ging tulóng sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang matutong gumauá nang cabanalan, at maisaulo ang leccióng pinagaaralan. Cun sa escuela may pumasoc na sacerdote, capitan, mahal na tauo ó matandá, ay tumindig, magbigay nang magandang arao, ó magandang hapon, at houag uupó hangang hindi pinaguutusan. Ang galang na ito,i, houag icahihiyang gauin, sapagca,t, ang cagalan~gan ay capurihán nang gumagalang, at di sa iguinagalang. Ang batang may bait at dunong, ay capurihán nang magulang, at ang caniyang quilos, pan~gun~gusap at asal, ay nagsasaysay na mahal ang asal nang nagturong magulang. Pagpilitan mo na houag catamaráng pagaralan ang lección; cun di matutuhan, ay mag-tanong sa, capoua escuela ó sa maestro caya, houag mahihiya, sapagca,t, cung hiyas nang isang marunong ang suman~guni sa bait nang iba, ay capurihán naman nang isang bata ang mag-tanong sa marunong, sapagca,t, napahahalata na ibig matuto,t, maramtan ang hubád na isip, nang carunun~ga,t, cabaitan; cun di agád matutuhan ang lección, ay houag mabubugnót mag-tiagang magaral, sapagca,t, ang carunun~gan ay bun~ga nang catiagan.
Cun di tinatanong nang maestro, ay houag sasagót, at cun matatanong ay tumindig muna, at sáca sumagót. Gayon din ang gagauin sa matandá ó guinoong causap.
Pagbilinan mo, na huag magpahalata sa capoua escuela, na siya,i, nanaghili sa mariquit na gayac, carunun~gan cayamanan, camahalan nang capoua, bata, sapagca,t; maguiguing capintasan sa caniyang asal.
Sa capoua bata, houag magsasalitá nang nangyayari sa ating bahay, nang icamumura sa capoua tauo, at sa ating bahay naman, ay huag ipapanhic ang naquiquita sa escuela, sa lansan~gan at sa bahay nang iba, lalo na cun na-ooui sa paninira nang puri, at cung sacali magupasala sa tauo ay sauain, at cun umulí pa,i, parusahan.
Cun sacali macarinig sa capoua bata nang mura sa magulang ó camaganac na may bait ay ipagtangól nang banayad at matouid na sabi, at pagdating sa bahay ay ilihim at nang di pagmulan nang pagaaway. Turoan mong maquípagcasundó si Honesto sa capóua bata, houag manampalasang magmura manungayao, at cun sacali,t, may lumapastan~gan sa caniya ay ipagtangól ang catouiran nang banayad na uica, at cun sacali nauucol na isumbong sa maestro, ay houag daragdagan, houag magpaparatang nang sala sa iba, sa pagnanasang maca panghiganti, sapagca,t, ang manghiganti; ay an~gat sa camahalan nang asal.
Cung siya,i, magsasalitá,t, ayao paniualaan nang casalitáan, ay houag patotohanan nang sumpà, sapagca,t, ang manumpâ sa ualang cabuluhan ay tandâ nang cabulaánan.
Sa escuela, cun may maquitang cacanin, ay houag pa~ngahasang canin hangang di pagutusan, at nang di paguicang matacao.