Inikot niya ang silid ng trono na sadya namang nakakamangha. Nagtataasan ang mga kisame nito,ang mga pader nito ay napapalibutan ng mga salamin at ang sahig naman ay yari sa bato. Kaya nitong pagkasyahin ang isang daang tao ngunit sa mga ganitong araw, tanging ang hari at ang kanyang mga taga payo ang nasa loob ng silid. Sa gitna ng silid ay may malaking lamesa na hugis bilog. Doon nakahilera ang kanyang mga tagapayo.Umupo siya sa kanyang trono. Isang malaking silya na kulay ginto at pulang mga unan. Dito umupo ang kanyang ama, ang kanyang lolo at lahat ng mga naging hari ng kaharian na ito. Sa kanyang pagupo, nakaramdam siya ng bigat sa pakiramdam.
Pinagmasdan niya ang kanyang mga tagapayo. Nandoon si Brom, ang kanyang magaling na heneral at tagapayo sa mga kawal; si Kolk, ang pinuno ng Legion; Aberthol, ang pinakamatanda, iskolar at naging tagapayo ng hari sa loob ng tatlong henerasyon; si Firth, tagapayo ukol sa internal na mga gawain, isang maliit na lalaki na may puting buhok. Si Firth ang tanging hindi pinagkakatiwalaan ng hari. Hindi rin niya maintindihan ang tunay na papel niya sa kaharian. Ngunit nagsilbi si Firth noong panahon pa lamang ng kanyang ama at bilang respeto ay tinanggap niya pa din ito. Nandoon din si Owen, ang kanyang taga ingat yaman; Bradaigh, tagapayo para sa mga external na gawain ng hari; si Earnan, ang tagakolekta ng buwis; Duwayne, ang tagapayo ukol sa mga mamamayan at si Kelvin, ang kinatawan ng mga marangal.Ang hari pa din ang kumokontrol ar nagdedesisyon sa lahat. Ngunit ang kaharian nila ay liberal at ang kanyang mga ninuno ay binibigyan ng malaking importansya ang opinyon ng mga marangal, sa pamamagitan ng kanilang kinatawan. Sa kasaysayan ng kaharian, hindi naging madali ang pagbalanse sa desisyon ng hari at ng mga marangal. Ngunit ngayon ay mas nagiging matiwasay na ang lahat. May mga ilang pagkakataon lamang na nagkakaroon ng mga hindi pagkakasunduan.
Habang pinagmamasdan niya ang kanyang mga tagapayo, kanyang napansin na wala ang pinakagusto niyang makita at makausap sa lahat, si Argon. Katulad ng dati, kung saan saan at bigla bigla na lamang nagpapakita si Argon. Hindi ito nagugustuhan ni MacGil, ngunit tinanggap niya pa din ito. Kakaiba talaga ang mga Druids. Gusto na niyang matapos ang lahat ng ito, madami pa siyang kakailanganing gawin bago ang kasal.Nakapalibot ang mga tagapayo sa bilog na lamesa. Nakaupo sa mga upuan na yari sa matitibay na punong kahoy.
"Maari na po ba nating simulan?" Ang sabi ni Owen
"Sige. Ngunit pakiiklian lamang ito. Madami pa akong kailangang gawin."
"Makakatanggap ngayon ng mga magagarbong regalo ang inyong mahal na anak. Madaming mamamayan ang magbibigay puri at maghahandog ng alay sa inyo na makakadagdag din sa ating pondo. Ngunit madaming preparasyon para sa araw na ito na siguradong makakabawas ng malaki sa ating pondo. Imumungkahi ko na taasan ang buwis ng mga mamayan, isahang buwis upang mabawi ang mawawala sa pondo dahil sa pagdiriwang na ito."
Nakaramdam ng labis na pagaalala ang hari dahil sa pagbasak ng pondo. Ngunit hindi niya maaring taasan muli ang buwis.
"Mas mabuti pa ang magkaroon ng mababang pondo kaysa mawala ang mga tapat na mga tao" sagot ni MacGil. "Ang ating yaman ay nagmumula sa masasaya nating mga mamamayan. Hindi natin dapat sila pahirapan."
"Ngunit mahal na hari, kung hindi po natin…"
"Nakapagdesisyon na ako. Sunod!"
Napabalik na lamang sa kanyang upuan si Owen.
"Mahal na hari," ang sagot ni Brom gamit ang malalim na boses nito, "tulad po ng pinaguutos po ninyo, pinakalat ko na po ang ating mga tauhan sa lugar na pagdadausan ng pagdiriwang. Nakakahanga po ang maipapakita nating hukbo ngunit kung sakaling may gulo na mangyari sa ibang bahagi ng kaharian, hihina po ang ating pwersa"Tumango lamang ang hari."Hindi aatake ang ating mga kalaban habang pinapakain natin sila."
Nagsipagtawanan ang mga tagapayo.
"At anong balita sa mga bulubundukin?""Wala pong natala na kahit anong galaw simula pa noong isang buwan. Mukhang naghahanda po ang lahat para sa kasal. Marahil ay handa na silang makipagkasundo"Hindi sigurado ang hari sa bagay na iyon."Maaring ang kasal ay naging tagumpay o kaya naman ay naghihintay lamang sila ng tamang oras upang sumugo. Ano sa tingin mo?" Tanong ng hari kay AbertholNilinaw ni Aberthol ang kanyang lalamunan, "mahal na hari, kailanman ay hindi pinagkatiwalaan ng inyong ama at lolo ang mga McClouds. Kung sila man ay natutulog, hindi ito nangangahulugan na hindi na sila magigising."Tumango lamang si MacGil."At kamusta naman ang Legion?" Tanong niya kay Kolk.
"Ngayon po ipapakilala ang mga bagong kasapi," sagot ni Kolk, sabay tango.
"Kasama ang aking anak?" Anong ng hari
"Nangibabaw po siya sa lahat mahal na hari"
Tumango muli ang hari at tumingin kay Bradaigh
"Anong balita mula sa labas ng ating sanggalang?""Mahal na hari, mas madami pong nakitang pagtatangka na makapasok sa ating sanggalang. Nangangahulugan po ito na maaring naghahanda sa pagatake ang mga rebelde"
Nagbulungan ang mga tagapayo at nakaramdam ng takot si MacGil. Matibay ang kanilang sanggalang, ngunit hindi pa din niya maiwasan ang magisip ng mga posibilidad."Paano kung biglaan silang umatake?" Tanong ng hari"Hangga't nariyan ang ating sanggalang,hindi magtatagumpay ang mga rebelde. Ilang milenyo na nilang sinusubukang makapasok. Wala tayong dapat ikatakot."Hindi pa rin makampante ang hari. Matagal na mula noong umatake ang mga rebelde at hindi niya maiwasang magisip kung kailan ulit ito mangyayari."Mahal na hari," sambat ni Firth, "kailangan ko po kayong sabihan na nagsidatingan na ang mga matataas na kinatawan ng mga McClouds. Isang insulto para sa kanila kung hindi natin sila haharapin, kalaban o hindi. Iminumungkahi ko na gumawa kayo ng panahon upang batiis ang bawat isa sa kanila. Madami silang handog na regalo at ayon sa mga bulong bulungan, may dala din silang mga espiya.""Sino din ang magsasabi na wala pa ang mga espiya dito sa loob?" Sagot ni MacGil habang tinitingnan ng mabuti si Firth at iniisip kung siya ba mismo ay isang espiya.Bago makasagot si Firth, itinaas ng hari ang kanyang kamay sabay buntong hininga.
"Kung tapos na, ako'y aalis na upang dumalo sa kasal ng aking anak.""Mahal na hari," dagdag ni Kelvin "mayroon pa po. Isang tradisyon na tuwing kasal ng unang anak ng hari ay papangalanan ang tagapagmana ng inyong trono. Hihintayin po ng mga mamamayan ang inyong anunsyo. Ito po ay naging usap usapan. Mas makakabuti kung hindi niyo po sila bibiguin lalo na at ang 'espada ng tadhana' ay nananatiling hindi gumagalaw."Pipilitin mo akong pangalanan ang aking tagapagmana habang nakaupo pa ako sa aking trono?" Tanong ng hari"Mahal na hari, hindi ko po intensyon na…"Itinaas muli ng hari ang kanyang kamay. "Alam ko ang tradisyon. At magpapangalan ako ng aking tagapagmana ngayong araw""Hindi mo ba sasabihin sa amin kung sino?"tanong ni FirthTinitigan lang muli ng hari si Firth. Hindi niya ito pinagkakatiwalaan."Malalaman niyo din sa tamang panahon"Tumayo ang hari at sumunod ang mga tagapayo. Nagbigay galang ang mga ito bago lumabas ng silid.Tumindig lamang doon ang hari at nagisip. Ito ang mga araw na hinihiling niya na sana'y hindi siya nag hari.
*
Naglakad ang hari patungo sa isang maliit na pinto sa loob ng silid. Binuksan niya ito at pumasok.Gusto ng hari ang katahimikan at katiwasayan sa loob ng maliit na silid. Ang buong silid ay yari sa bato. Ang liwanag sa silid ay nagmumula lamang sa iisang bintana. At ang natatanging laman ng silid na ito ay ang Espada ng Tadhana.Ang espada ay nakatusok sa isang napakalaking bato. Bata pa lamang ang hari ay nandoon na espada. Naalala niya kung paano niya ito palibutan at suriin. Ang Espada ng Tadhana. Ang pinagmumulan ng lakas ng kapangyarihan ng buong kaharian. Kung sino man ang may lakas upang tanggalin at hugutin ang espada ay ang Natatangi. Ang nagiisang nakatadhana upang maghari sa haba ng panahon. Ang nagiisang magbibigay ng kalayaan laban sa mga banta at panganib sa loob at labas ng kaharian at ng Bilog na Kaharian. Kinalakihan ni MacGil ang alamat na ito. Kaya ng siya ay maging hari, agad niyang sinubukang hugutin ito. Tanging mga hari lamang ang maaring sumubok dito at lahat sila ay nabigo. Sigurado siyang hindi siya mabibigo.Ngunit nagkamali siya. Ang kanyang pagkabigo ay nakaapekto sa kanyang pagiging hari.Habang tinititigan niya ito, nararamdaman pa din niya ang pagkabigo. Sinuri niya ang mahabang patalim nito na kailan man ay hindi pinagaralan ng mga eksperto. Ang kwento tungkol sa pinagmulan nito ay hindi rin malinaw. Ayon sa mga nakakatanda, ang espada ay nagmula sa ilalim ng lupa dala ng isang lindol.Siya ay isang mabuting hari ngunit hindi siya ang Natatangi. Alam ng mga tao iyon. Alam ng kanyang mga kalaban. Mabuti siyang hari ngunit kailanman ay hindi siya ang magiging Natatangi.Kung siya man ito, marahil ay mas magkakaroon ng kapayapaan at mawawala ang mga pagdududa at di pagkakasunduan. Mas pagkakatiwalaan siya ng kanyang nasasakupan at hindi na iisipin pang umatake ng mga kalaban. Isang bahagi niya ang nagnanais na mawala ba lamang ang espada at ang kwento tungkol dito. Ngunit hindi ito mangyayari. Dahil iyon ang kapangyarihan at sumpa ng isang alamat. Mas malakas pa kaysa sa hukbo ng mga mandirigma.Habang pinagmamasdan niya muli ang espada, hindi ulit maiwasan ng hari na magisip kung sino ba talaga. Sino sa kanyang mga kadugo ang nakatadhana para dito? Habang iniisil niya ang mga ito, pumasok sa isip niya ang kanyang magiging tagapagmana at kung kakayanin ba nito na hugutin ang espada."Mabigat ang espada, "sambit ng isang bosesLumingon si MacGil at nabigla na may kasama na pala siya sa silid.Doon ay nakatindig si Argon. Nakilala ni MacGil ang boses nito. Nakaramdam ng inis ang hari dahil nahuli ito ng dating,ngunit nakaramdam din siya ng saya at dumating na si Argon."Huli ka na!" Sabi ni MacGil."Ang iyong sense ng oras ay hindi applicable sa akin."Muling tiningnan ni MacGil ang espada."Naniwala ka ba sa akin na kaya kong hugutin ang espada?" Tanong ng hari, "noong naging hari ko?""Hindi." Agad na tugon ni ArgonLumingon ang hari at tinitigan si Argon."Alam mong hindi ko magagawa? Hindi ba? Nakita mo?""Oo"Napaisip muli si MacGil."Tinatakot mo talaga ako kapag sinasagot mo ako ng diretso. Hindi ikaw ito."Nanatiling tahimik si Argon hanggang sa mapagtanto ni MacGil na hindi na ito sasagot."Papangalanan ko na ang magiging tagapagmana ng trono ko sa araw na ito."sabi ni MacGil. "Nakakalungkot isipin na papangalanan ko ang papalit sa akin. Parang kinukuha ang saya sa bawat hari sa araw ng kasal ng anak nila"
"Marahil ang ganoong kasiyahan ay nakalaang tapusin"
"Subalit marami pa akong taon upang mamuno" ang paliwanag ni MacGil
"Marahil hindi ito kasingdami tulad ng naiisip mo," sagot ni Argon
Nanlaki ang mga mata ni MacGil. May nais ba siyang ipahiwatig?
Ngunit wala ng idinagdag si Argon.
"Anim na anak. Sino ang pipiliin ko?" Tanong ni MacGil
"Bakit ako ang tatanungin mo? Hindi ba't nakapili ka na?"
Tumingin lamang siya si Argon. "Lahat talaga nakikita mo. Oo, nakapili na ako. Ngunit gusto ko pa ding malaman a g opinyon mo"
"Sa tingin ko ay tama ang iyong desisyon," sagot ni Argon, "ngunit tandaan mo na walang hari ang maaring mamuno mula sa kanyang libingan. Kung sino man ang iyong mapili, tadhana pa rin ang masusunod"
"Mabubuhay ba ako, Argon?" Agad na tanong ni MacGil. Matagal na siyang binabagabag ng tanong na iyon simula ng siya magising mula sa isang masamang panaginip.
"Kagabi, nanaginip ako ng isang uwak," dagdag niya, "tinangay nito ang aking korona. At isa pang uwak ang tumangay sa akin. At habang dinala niya ako paitaas, nakita ko ang buong kaharian. Binalutan ng kadiliman"
Tumingin siya kay Argon, nangingilid ang luha.
"Panaginip lang ba iyon? O may iba pa itong kahulugan?"
"Lahat ng panaginip ay may kahulugan, hindi ba?" Tanong ni Argon
Palubog ng palubog ang pakiramdam ni MacGil.
"Nasaan ang panganib? Sabihin mo sa akin."
Lumapit si Argon at tumitig sa mga mata ni MacGil at bumulong.
"Palaging nandiyan lang, malapit sayo."
IKAAPAT NA KABANATA
Sumakay at nagtago sa likod ng isang kariton na yari sa straw habang binabagtay ang daan patungo sa kastilyo ng hari. Tinahak niya ang daan palabas ng madilim na kagubatan buong gabi at naghihintay ng dadaan na kariton kung saan maari niyang sakyan ng hindi siya napapansin. Madalim ang daan at mabagal na dumating ang kariton, tamang tama para makahabol si Thor at makasakay sa likod nito. Puno ito ng mga dayami na siya niyang pinagtaguan. Hindi siya napansin ng mayari. Hindi sigurado si Thor kung sa kastilyo ng hari ang punta nito ngunit mukhang doon ang direksyon nito.Habang tinatahak nila ang daan, buong gabing gising ay nagiisip si Thor tungkol sa kanyang pakikipagsagupaan sa Sybold. Kay Argon. Ng kanyang tadhana. Ang kanyang lugar na kinalakihan. Ang kanyang ina. Animo'y binigyan siya ng kasagutan ng kalangitan at sinabing mayroon siyang bagong tadhana. Nakahimlay siya doon haabng nakatingin sa kalangitan. Pinagmasdan niya ang mga naglalakihan at kumikinang na mga bituin sa langit. Punong puno siya ng galak. Sa buong buhay niya, ngayon lamang siya naglakbay. Hindi niya alam kung saan, ngunit magpapatuloy siya. Sa kahit anong paraan, pupunta siya sa kastilyo ng hari.Nang imulat ni Thor ang kanyang mga mata, umaga na at sumikat na ang araw. Nakatulog siya. Agad siyang umupo at sinuri ang paligid. Dapat siyang mas magingat. Buti na lamang at walang nakakita sa kanya.Gumagalaw pa din ang kariton ngunit mas makinis na ang mga dinadaanan nito. Nangangahulugan na malapit na sila sa siyudad. Tiningnan ni Thor kung gaano kakinis at kapatag ang daanan. Walang mga bato. Bumilis ang tibok ng puso ni Thor, papalapit na sila sa kastilyo.Sumilip si Thor sa labas at namangha siya sa kanyang nakita. Ang mga daan ay puno ng mga ibat ibang mga dekorasyon. May mga tindahan ng ibat ibang mga bagay. Madaming mga karton at karwahe ang nasa daan. Ang bawat isa sa mga ito ay may mga dalang damit na yari sa balahibo ng hayop, mga basahan at maging mga manok. Kasabay dito ay ang mga nagtitinda, mga tagapagalaga ng tupa at ang iba ay may mga dala dalang buslo sa kanilang mga ulo. Daan daan ang mga tao at lahat sila ay papunta sa iisang direksyon.Nabuhayan si Thor. Ngayon lamang siya nakakita ng ganoong kadaming tao, paninda at mga pangyayari. Lumaki siya sa maliit na nayon at ngayon ay napalilibutan siya ng madaming tao.Nakarinig siya ng malakas na tunog, ang kalansing ng kadena, ang pagputol sa mga punongkahoy na sa sobrang lakas, gumagalaw ang lupa. Kanyang napagtanto na sila ay kasalukuyang dumadaan sa isang tulay.Sinilip ni Thor ang labas. Namangha siya sa mga haligi na yari sa bato at ang malaking tarangkahan sa kanilang harapan. Papasok na sila sa kastilyo.Ito ang pinakamalaking tarangkahan na kanyang nakita. Sa itaas nito ay may mga matatalim na mga bakal na kung siya ay mababagsakan nito, mahahati ang kanyang katawan. Natanaw niya ang mga miyembro ng Silver na nakabantay sa harapan. Mas lalong bumilos ang tibok ng kanyang puso.Pumasok sila sa isang madilim na lagusan hanggang sa tuluyan na silang makarating sa loob ng kastilyo, ang korte ng hari.Hindi makapaniwala si Thor sa kanyang nakikita. Mas madami pang nagaganap sa loob at libo libong tao ang nagkalat sa bawat sulok nito. Malawak ang damuhan at napapalibutan ito ng mga naggagandahang mga bulaklak. Malapad ang daanan, at sa tabi nito ay mga ibat ibang tindahan, mga mamimili at mga gusali na yari sa bato. At sa paligid nito ay ang mga kawal at tauhan ng kaharian na nakasuot ng mga armas. Sa wakas, nakarating na sila.Sa kanyang galak, bigla siyang napatayo. Sa kanyang pagtayo, biglang huminto ang kariton at agad na bumagsak si Thor. Maya maya ay nagbukas ang likod ng kariton at umambad ang galit na galit na matandang lalaki. Hinila nito si Thor at itinulak papalabas.Bumagsak si Thor sa isang mabuhanging parte ng daan. Nagtawanan ang mga tao sa kanyang paligid."Sa susunod na sasakay ka sa kaeiton ko, mananagot ka na sa akin. Swerte ka at hindi kita pinahuli sa mga miyembro ng Silver" galit na sambit ng matanda.Tumalikod ang matanda at dali daling bumalik sa kanyang kariton.Dali daling tumayo si Thor aa sobrang kahihiyan. Pinagmasdan niya ang kanyang paligid. Ilang mga tao ang nagtatawanan. Tinitigan niya ang mga ito hanggang sila ay huminto.Bumalik ang kanyang sigla dahil sa kamangha manghang paligid na kanyang nakikita. Ang mahalaga ay nakarating siya. Ngayon, maari na siyang maglibot ng walang tinataguan. Sa gitna ng siyudad matatagpuan ang kastilyo ng hari na napaliligiran ng mga bandera na may simbolo ng hari at binabantayan ng mga kawal ng kaharian. Ang kanyang buong paligid ay puno ng luntiang mga halaman, mga nagtataasang gusali. Ito ay isang siyudad. At ito ay binabaha ng mga tao.Lahat ng mga tao, mga mamayan, mga tindero at mamimili, ay animo'y mga nagmamadali. Unti unting napagtanto ni Thor na may nagaganap na pagdiriwang. Sa kanyang pagmamasid, nakita niya ang mga paghahanda ng mga upuan at isang altar. Lahat ay naghahanda para sa isang kasal.Bahagyang tumigil ang kanyang paghinga ng kanyang makita mula sa malapit na distansya ang linya ng mga kawal at mandirigma. Pinalilibutan nila ang altar. Sa kabilang banda naman, ay may mga kawal na gumagamit ng mga sandata upang tamaan ang mga nakalagay na target mula sa malayo. Ang iba naman ay gumagamit ng pana. Buong paligid ay puno ng mga palaro at paligsahan. Mayroon ding musika tulad ng pluta, gitara at nagkalat na mga musikero; bote bote ng mga alak na inihahain sa mga lamesa; sangkatutak na mga pagkain na parang walang katapusan sa dami.Sa kabila ng nakamamanghang kasiyahan, kailangan ng hanapin ni Thot ang Legion. Huli na siya at kailangan na niyang ipakilala ang kanyang sarili.Agad niyang nilapitan ang unang tao niyang nakita, na isang tagakatay ng hayop, base sa mantsa ng dugo sa kanyang kasuotan. Lahat ng tao ay nagmamadali.
"Mawalang galang na po ginoo," sambit ni Thor sabay hawak sa braso nito
Agad na napatingin ang ginoo kay Thor
"Ano yun?"
"Hinahanap ko po nag Legion. Alam niyo po ba kung saan sila nagsasanay?"