"Mukha ba akong mapa?" Naiinis na sagot ng ginoo sabay alis.
Nagulat si Thor sa pagtrato sa kanya ng ginoo.Agad siyang lumapit sa sumunod na taong kanyang nakita. Isang ginang na nagmamasa ng harina sa isang lamesa. May ilang ginang na nagtatrabaho sa may lamesa. Sigurado si Thor na isa sa kanila marahil ang may alam.
"Mawalang galang na ginang" aniya, "alam niyo po ba kung saan nagsasanay ang Legion?"Nagtinginan nag mga ginang at sabay nagtawanan. Ang ilan sa kanila ay mas nakakatanda kay Thor.Lumingon ang pinakamatanda at hinarap si Thor."Naghahanap ka sa maling lugar," tugon ng ginang, "nandito kami upang maghanda para sa pagdiriwang."Ngunit ang sabi nila sa akin ay dito sa korte ng hari sila nagsasanay" nalilitong tanong ni Thor.Muling nagtawanan ang mga babae. Napailing na lamang ang nakatatanda."Mukang ito ang unang beses mo dito sa korte ng hari. Hindi mo ba alam kung gaano ito kalaki?"Namula si Thor habang patuloy sa pagtawa ang mga kababaihan kaya umalis na lamang ito. Hindi niya gusto ang pakiramdam ng pinagtatawanan.Nakita niya ang madaming daan at pasikot sikot na mga kanto sa loob ng korte ng hari. Sa isang banda ay puno ng madaming papasok na daan. Nakakapangliit ang kalakihan ng lugar na ito. Pakiramdam niya na kahit libutin niya ito ng ilang araw ay hindi niya pa rin ito mahahanap.Isang ideya ang pumasok sa kanyang isip;panigurado ay alam ng mga kawal kung saan sila nagsasanay. Nahihiya siyang lumapit sa isang tauhan ng kaharian, ngunit kailangan niya itong gawin.Agad siyang nagmasid at nilapitan ang unang kawal na kanyang nakita. Umaasa na sana'y hindi siya itaboy nito. Nakatindig lamang ito at nakatingin ng diretso sa malayo."Hinahanap ko po ang mga Legion ng mahal na hari. " sambit ni Thor sa kanyang pinakamatapang na boses.Patuloy na hindi gumalaw ang kawal. Hindi ito sumagot"Sabi ko, hinahanap ko po ang mga Legio ng hari" sigaw ni Thor upang siya ay mapansin.Matapos ang ilang sandali, ay tiningnan siya ng kawal."Maari niyo po bang ituro sa akin?" Pilit ni Thor"At anong kailangan mo sa kanila?""Napakaimportanteng bagay po. " sagot ni Thor na umaasa na sana'y hindi na masyadong magtanong ang kawal.Muling tumingin sa malayo ang kawal, hindi siya pinansin. Pinanghinaan ng loob si Thor dahil mukhang wala siyang makukuhang sagot.Ngunit makalipas ang animo'y napakatagal na paghihintay, sumagot ang kawal, "pumasok ka sa kanlurang pasukan at diretsuhin mo lamang ito. Pumasok ka sa ikatlong pasukan, kumanan ka at kumanan ka muli. Lampasan mo ang rebulto na yari sa bato at makikita mo ang papasok sa lugar nila. Ngunit binabalaan na kita. Hindi sila tumatanggap ng bisita."Yun lamang ang gustong marinig ni Thor. Ng walang pagaalinlangan ay agad umalis si Thor habang sinusubukan niyang tandaan ang direksyon na sinabi ng kawal. Mataas na ang sikat ng araw at naway sa kanyang pagdating ay hindi pa huli ang lahat.
*
Nagtatakbo si Thor paikot sa mga pasikot sikot ng korte ng hari. Sinubukan niyang sundin ang direksyon na sinabi ng kawal. Sana'y hindi siya maligaw. Sa dulo ng isang patyo , nakita niya ang ilang pasukan at kanyang pinili ang pangatlo. Tinakbo na niya ito. Nilampasan ang libo libong mga tao na lalong dumadami sa paglipas ng oras. Kanya ng binangga ang mga nagkalat na mga tagapalabas sa daan.
Hindi maisip ni Thor na mahuhuli siya para sa pagpili ng mga bagong miyembro ng Legion kaya ginawa niya ang lahat upang makahabol. Nilampasan niya ang bawat gusali habang hinahanap ang kinaroroonan ng kanilang lugar para sa pageensayo. Ng marating niya ang dulo ng daan na kanyang tinahak, napansin niya ang isang gusali na mukhang ito na ang kanyang hinahanap: isang koluseyo na yari sa bato at isang perpektong bilog. Maraming nakabantay na mga kawal sa pintuan nito sa harap. Nakarinig si Thor ng mga sigawan at palakpakan mula sa loob at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ito na nga.
Agad siyang tumakbo, habang hinahabol ang kanyang paghinga. Sa kanyang paglapit sa pintuan, dalawang kawal ang humarang sa kanya. Isa pang kawal ang lumapit sa kanya.
"Hinto!" Utos ng kawal
Napatigil agad si Thor habang hinahabol nag kanyang paghinga.
"Hindi..ninyo..naiintindihan" hingal na sabi ni Thor. "Kailangan kong makapasok sa loob. Mahuhuli na ako."
"Mahuhuli saan?"
"Sa pagpili."
Ang kawal, maliit ngunit malaki ang katawan, ay napatingin sa iba pang mga kawal. Tinitigan nito si Thor na parang hindi makapaniwala.
"Kanina pa dumating ang mga pagpipilian sakay ng mga karwahe ng kaharian. Kung hindi naimbitahan, hindi ka maaring pumasok"
"Hindi ninyo naiintindihan. Kailangan ko…"
Lumapit ang kawal at hinawakan sa kamiseta si Thor.
"Ikaw ang hindi nakakaintindi bata! Anong karapatan mo para ipagpilitan na makapasok. Umalis ka na bago pa kita saktan."
Itinulak nito si Thor na bumagsak sa lupa.
Nakaramdam ng sakit sa dibdib si Thor dahil sa pagkakatulak ng kawal ngunit mas masakit ito dahil sa pagkabigo. Desidido si Thor. Hindi siya naglakbay ng ganito kalayo upang ipagtabuyan lamang ng hindi pa nila nakikita ang kanyang kakayahan. Kailangan niyang makapasok.
Umalis ang mga kawal. Naglakat nmaan paikot ng koluseyo si Thor. May plano siya. Lumakad siya palayo hanggang sa hindi na siya matanaw ng mga kawal. Sinuri niya ang mga pader ng gusali. Sinigurado nito na walang makakakita sa kanya. Nang makarating siya sa kabilang bahagi ng koluseyo, nakita niya ang pangalawang pasukan nito. Hinaharangan ito ng mga nakahilerang mga bakal. Napansin niya na may nawawalang mga bakal. Nakarinig siya muli ng mga sigawan mula sa loob kaya sinilip niya ito.
Bumilis muli ang kanyang paghinga. Nakahilera sa gitna ng koluseyo ang lahat ng mga naimbitahan kasama ang kanyang mga kapatid. Nakaharap sila grupo ng mga Silver na isa isa silang sinusuri. Isang grupo din ng mga kalalakihan ang nasa isang sulok at isa isang pinatitira gamit ang pana habang sinusuri rin ng mga Silver. Isa sa mga ito ang hindi nakatama.
Mas lalong naginit ang dugo ni Thor. Magiging madali para sa kanya ang gumamit ng pana. Maliit siya at mas bata ngunit hindi ito nangangahulugan na mas mahina siya. At hindi ito patas para sa kanya.
Ng ano ano'y may biglaang humawak sa balikat ni Thor. Hinila siya at itinapon sa lupa.
Paglingon ni Thor ay nakita niya ang kawal na bantay sa unang pasukan.
"Anong sinabi ko sa iyo bata?"
Bago pa man makasagot si Thor ay bigla siyang sinipa sa dibdib ng kawal. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang mga buto hanggang sa sinipa siyang muli nito
Bago pa ulit ito makasipa, hinawakan ni Thor ang paa ng kawal, inihagis niya ito hanggang sa mawalan ng balanse ang kawal. Bumagsak ito.
Agad tumayo si Thor kasabay ng kawal. Hindi makapaniwala si Thor sa kanyang nagawa. Tinitigan ng masama ng kawal si Thor.
"Hindi lamang kita sasaktan,' sagot ng kawal,"magbabayad ka. Walang dapat kumalaban sa isang kawal ng hari. Kalimutan mo na ang pagsali sa Legion-mabubulok ka sa kulungan. Maswerte ka pa mung masikatan ka pa ng araw."
Kinuha ng kawal ang kanyang kadena. Unti unti itong lumapit kay Thor, handang handa para maghiganti.
Kailangang magisip ng mabilis ni Thor. Hindi niya maaring hayaan na masaktan at makulong, ngunit hindi rin niya maaaring saktan ang isang kawal ng kaharian. Kailangan niyang magisip ng paraan, agad agad.
Naalala niya bigla ang kanyang tirador. Agad niya itong kinuha, kasama ang bato at itinira.
Lumipad ang bato at tinamaan ang kamay ng kawal. Nabitawan nito ang hawak na kadena. Napaluhod ang kawal sa naramdamang sakit mula sa tama ng tirador sa kanyang kamay.
Ng walang ano ano'y, hinugot ng kawal ang kanyang espada. Tinitigan ng masama si Thor.
"Iyon an ang huling pagkakamali na gagawin mo," banta ng kawal. Dumilim ang awra nito.
Wala ng ibang paraan si Thor. Hindi na siya lulubayan ng kawal na ito. Tinira niya ulit ito ng tirador. Hindi niya intensyon na patayin ang kawal kundi ang pigilan lamang ito. Kaya sa halip na patamaan niya ito sa puso o sa ulo, itinapat niya ito kung saan hindi niya mapapatay ang kawal.
Sa pagitan ng mga hita nito.
Hindi niya ito tinira gamit ang kanyang buong lakas. Tama lamang para magpabagsak ng tao.
Perpekto ang kanyang naging tira.
Napaluhod ang kawal. Bumagsak ang kanyang espada at namaluktot sa sobrang sakit.
"Mamamatay ka dahil dito!" Sambit ng kawal sa kabila ng nararamdamang sakit. "Mga Kawal!!"
Lumingon si Thor at kanyang nakita ang mga ibang kawal na tumatakbo palapit sa kanila.
Wala na siyang ibang maaring gawin.
Agad siyang tumalon sa butas kung saan nagkulang ang mga bakal na nakaharang sa pangalawang lagusan. Pumasok siya sa loob ng arena upang ipakilala ang kanyang sarili. Lalabanan niya ang kung sinong magtangkang pigilan siya.
IKALIMANG KABANATA
Si MacGil ay nakaupo sa mataas na bahagi ng kanyang kastilyo, ang silid na pinagdadausan ng kanyang mga personal na mga bagay. Siya ay nakaupo sa kanyang trono, upuan na yari sa kahoy, habang tinitingnan niya ang kanyang apat na anak sa kanyang harapan. Nandoon ang kanyang panganay na anak na si Kendrick. Dalawamput limang taong gulang pa lamang ngunit isa ng mahusay na mandirigma at isang magalang na ginoo. Siya ang pinakahawig sa kanyang ama kahit na siya ay isang anak sa labas lamang. Anak sa isang babae na matagal ng kinalimutan. Pinalaki ni MacGil si Kendrick kasama nalg kanyang mga tunay na anak na unang tinutulan ng kaniyang reyna. Pumayag lamang ito sa isang kundisyon, na hindi siya maaring pumalit sa trono bilang hari. Mahirap ito para kay MacGil ,dahil si Kendrick ang pinakamagiting na lalaking kanyang nakilala, ang anak na kanyang pinagmamalaki. Wala ng ibang mas karapatdapat pang pumalit sa kanya kundi si Kendrick.Sa tabi ni Kendrick, ay ang pangalawang anak ng hari ngunit unang lehitimong anak niya sa reyna na si Gareth. Dalawamput tatlong taong gulang, payat at may palubog na pisngi. Mahilig siya sa pagkaskas. Ang kanyang karakter ay kabaligtaran ng sa kanyang nakatatandang kapatid. Kung si Kendrick ay kayang ipaglaban ang kanyang paniniwala, si Gareth naman ay itinatago ang kanyang tunay na nararamdaman. Kung si Kendrick ay matapang at mapagkakatiwalaan, si Gareth naman ay mapanlinlang. Masakit para kay MacGil ang kamuhian ang sariling anak. Ilang beses na niyang sinubukan na baguhin ito ngunit sa paglaki nito,mas lumabas ang tunay na pagkatao nito: uhaw sa kapangyarihan at maambisyon. Alam din ni MacGil na walang interes si Gareth sa mga kababaihan at madami itong karelasyon na kapwa lalaki. Kung sa ibang hari, marahil ay itinakwil na nila ang ganoong klase ng anak, ngunit mas bukas ang kaisipan ni MacGil. Hindi iyon sapat na dahilan upang hindi niya mahalin ang sariling anak. Hindi niya kailanman ito hinusgahan ukol sa kanyang kasarian. Ngunit hindi niya maaring palampasin ang kasamaan sa pagkatao nito.Nandoon din katabi ng kanyang mga kapatid ang ikalawang anak na babae ni MacGil, si Gwendolyn. Kakatungtong pa lamang nito sa kanyang ika-labing anim na taong kaarawan. Maganda hindi lamang sa panlabas kundi pati ang kanyang kalooban. Siya ay mabait, mapagbigay, matapat- ang pinakamabuting babae na nakilala ng hari. Mahahalintulad niya nag anak na babae kay Kendrick. Kapag tumitingin ito sa kanya, nararamdaman niyaang pagmamahal ng isang anak at ang katapatan nito sa kanya. Mas ipinagmamalaki niya si Gwendolyn kaysa sa mga anak niya lalaki.Katabi ni Gwendolyn ang pinakabata sa mga magkakapatid na si Reece. Matapang at malaya kung magisip. Labing apat na taong gulang at unti unting nagiging isang tunay na lalaki. Pinagmasdan ni MacGil ang pagkukusa nito na sumali sa Legion at nakikita na niya kung paano siya magiging isang mandirigma. Balang araw,nakikita ni MacGil ang bunsong anak bilang isang magaling na hari at pinuno ng kaharian. Ngunit hindi pa sa ngayon. Masyado pa itong bata.Halo halo ang narramdaman ni MacGil habang tinitingnan ang kanyang apat anak sa kanyang harapan. Nakakaramdam siya ng pagmamalaki ngunit may kasamang panghihinayang. Nakakaramdam din siya ng galit at inis dahil dalawa sa kanyang anak ay nawawala. Ang kanyang panganay na babae na si Luanda na naghahanda sa nalalapit nitong kasal at dahil siya ay ikakasal sa lalaki na nagmula sa ibang kaharian, hindi siya kasali sa usapan ng tagapagman ng trono. Ngunit ang kanyang isa pang anak na lalaki, si Godfrey na labing walong taong gulang ay hindi nagpakita. Namumula si MacGil sa galit.Simula pa noong bata pa si Godfrey, madalas na itong magpakita ng kabastusan sa trono; malinaw na kailanman ay wala siyang balak o interes upang umupo sa trono. At ang mas nakakapanghinayang para kay MacGil ay ang makita niya kung paano sayangin ng anak ang kanyang oras sa pagiinom kasama ng mga maling kaibigan na naghatid ng madaming kahihiyan sa kanilang pamilya. Siya ay tamad at batugan. Wala siyang ginawa kundi ang matulog at uminom ng alak. Napanatag si MacGil na hindi dumating ang anak ngunit sa kabilang banda, naiinsulto din siya sa hindi pagdating nito. Inasahan na ito ng hari kaya naman inutusan niya ang kanyang mga kawal upang hanapin si Godfrey. Hinintay niya nag pagdating ng mga ito.
Biglaang bumukas ang naglalakihang pintuan ng silid. Agad pumasok ang mga kawal, bitbit sa kamay anak na si Godfrey. Itinulak nila ito papasok ng silid saka isinara ang pinto.
Lumingon ang mga magkakapatid kay Godfrey na lasing, hindi pa nagaahit at hindi nakabihis ng ayos. Ngumiti lamang ito. Walang galang. Tulad ng dati.
"Kamusta ama," sabi ni Godfrey, "nahuli na ba ako sa kasiyahan?"
"Tumayo ka sa tabi ng iyong mga kapatid at hintayin nag aking pagsasalita. Kung hindi, patawarin ako ng panginoon, ngunit ikukulong kita kasama ng ma ordinaryong preso. Hindi ka makakakain o makakainom ng alak sa loob ng tatlong araw."
Tinitigan lamang ni Godfrey ang ama. Sa mga titig na iyon,nakaramdam ng kakaibang pwersa si MacGil. Isang pwersa na maaring magpahamak sa anak balang araw.
Kahit napipilitan, sumunod si Godfrey sa pinaguutos ng ama matapos ang sampung segundo.
Pinagmasdan ni MacGil ang kanyang mga anak sa harapan: ang anak sa labas, ang suwail, ang lasinggero, ang anak na babae at ang bunsong anak. Iba iba ang ma personalidad at hindi siya makapaniwala na sa kanya lahat ito nagmula. At ngayon, sa araw ng kasal ng kanyang anak, ay naatasan siya upang pumili ng papalit sa kanya bilang hari. Paano iyon magiging posible?
Isa lamang iyong tradisyon na nakasanayan na at siya pa rin ang magiging hari sa mga susunod pang mga taon. Kung sino man ang kanyang mapipili ngayon ay marahil hindi naman tatanggapin ang trono pagdating ng araw. Mahalaga ito noong panahon ng kanyang ama ngunit hindi para sa kanya.
"Pinatawag ko kayo dahil sa isang tradisyon. Alam ninyong lahat na sa araw ng kasal ng pinakamatandang anak ng hari at kinakailangang pangalanan ang susunod sa aking trono. Ang tagapagmana ng kaharian. Kung ako man ay mamatay, wala ng ibang maaaring mamuno kundi ang inyong ina. Ngunit nasasaad sa batas na tanging sa mga anak lamang manggagaling ang susunod na tagapagmana ng trono. Kaya kailangan kong pumili."