Ikot
(Unang libro sa Talaarawan ng Bampira)
Morgan Rice
Tungkol sa sumulat na si Morgan Rice
Si Morgan Rice ay ang #1 na sumulat ng Talaarawan ng Bampira (The Vampire Journals), isang koleksyon ng mga libro para sa kabataan (may 11 libro sa kabuuan and patuloy pang nadadagdagan); isa pang sumikat na serye, Diskarte Para Mabuhay (The Survival Strategy), istorya tungkol sa mga pangyayari pagkatpos magunaw ang mundo (may 2 libro); at ang sikat na koleksyon ng mga istoryang pantasya, Ang Singsing ng Salamangkero (The Sorcerers Ring) (may 13 na libro at patuloy pang nadagdagdagan).
Ang mga libro ni Morgan ay mabibili na odyo o nakalimbag at mayroon ding mga isinalin sa ibat ibang lenggwahe tulad ng German, French, italian, Spanish, Portugese, Japanese, Chinese, Swedish, Dutch,Turkish,Hungarian, Czech at Slovak. (At marami pang mga lenggwahe sa mga susunod na panahon)
Nais ni morgan na marinig ang inyon mga opinyon. Pwede ninyong bisitahin ang kanyang website (www.morganricebooks.com) para makatanggap ng mga libreng ebook, mga regalo, mga bagon balita tungkol sa tagapagsulat. Maari ring kumunekta gamit ang facebook at twitter.
Mga Napiling Komento Tungkol sa Libro
"Ang Ikot ay tamang-tama para sa mga nakakabatang mambabasa. Napakagaling ng ginawa ni Morgan Rice para baguhin at gawing kakaiba ang isang ordinaryong storya ng mga bampira. Meron itong mga klasikal na elemento na malimit makita sa mga storyang paranormal para sa mga kabataan. Ang unang libro ay naka-sentro sa isang babae...isang ekstraordinaryong babae. Ang 'Ikot' ay madaling basahin, mabilis ang takbo ng storya. Ang librong ito ay para sa mga mahilig sa kwento ng paranormal na pag-ibig. Ito ay na-rate na PG.
The Romance Reviews
Nakuha ng 'Ikot' ang aking atensyon mula umpisa hanggang katapusan. Mabilis ang takbo ng storya nito at puno ng aksyon. Walang nakababatong sandali. Epektibo ang ginawa ni Morgan Rice na isali ang mga mambabasa sa istorya at isentro ang atensyon kay Caitlin upang matagpuan nya ang katotohanan. Hindi na ako makapaghintay para sa pangalawang libro.
Paranormal Romance Guild
Masarap basahin ang 'Ikot' sa bilis
ng takbo ng istorya nito na kaya mong magbasa ng iba pang libro. Ang lahat ay siguradong masisiyahan.
books-forlife.blogspot.com
Ang 'Ikot' ay hindi pahuhuli sa Twilight at Vampire Diaries. Gugustuhin mo itong basahin hanggang sa huling pahina. Kung ikaw ay mahilig sa istorya ng paranormal na pag-ibig at pakikipagsapalaran, ang librong ito ay para sa iyo.
Vampirebooksite.com
Magaling ang ginawa ni Rice na ma-engganyo ang mga mambabasa mula umpisa gamit ang epektibong pagsasalarawan ng bawat eksena...maganda ang pagkakasulat at mabilis ang takbo ng istorya. Isa itong magandang umpisa sa serye ng kwentong paranormal. Siguradong lahat ay masisiyahan.
Black Lagoon Reviews
Mga Libro ni Morgan Rice
Ang Singsing ng Salamangkero
"A QUEST OF HEROES" Ang Paglalakbay ng mga Bayani(Unang Libro)
"A MARCH OF A KING" Pagmartsa ng mga Hari ( Pangalawang Libro)
"DESTINY OF DRAGONS" Kapalaran ng mga Dragon (Pangatlong Libro)
"A CRY OF HONOR" Sigaw para sa Karangalan (Pangapat na Libro)
"A VOW OF GLORY" Panunumpa ng Kaluwalhatian (Panglimang Libro)
"A CHARGE OF VALOR" Ang Paniningil ng Lakas ng Loob (Pangani ma Libro)
"A RITE OF SWORDS" Ang Seremonya ng Espada (Pampitong Libro)
"A GRANT OF ARMS" Pagkakaloob ng Armas (Pangwalong Libro)
"A SKY OF SPELLS" Kalangitan ng mga Orasyon (Pangsiyam na Libro)
"A SEA OF SHIELDS" Karagatan ng mga Sanggalang (Pangsampung Libro)
"A REIGN OF STEEL" Ang Paghahari ng Asero (Panglabing isang Libro)
"A LAND OF FIRE" Ang Kalupaan ng Apoy ( Panglabing dalawang Libro)
"A RULE OF QUEENS" Pamumuno ng mga Reyna (Panglabing tatlog Libro)
"AN OATH OF BROTHERS" Ang Sumpaan ng Magkapatid (Panglabing apat na Libro)
"THE SURVIVAL STRATEGY" Diskarte Para Mabuhay
"ARENA ONE:SLAVERSUNNERS" Unang Arena: Pagtakbo ng mga Alipin ( Unang Libro)
"ARENA TWO" Pangalawang Arena (Pangalawang Libro)
"THE VAMPIRE JOURNALS" Ang Talaarawan ng Bampira
"TURNED" Ikot(Unang Libro)
"LOVED" Pagmamahal(Pangalawang Libro)
"BETRAYED" Pagtataksil (Pangatlong Libro)
"DESTINED" Itinadhana (Pangapat na Libro)
"DESIRED" Ninanais(Panglimang Libro)
"BETROTHED" Katipan (Panganim na Libro)
"VOWED" Panunumpa (Pangpitong Libro)
"FOUND" Pagtatagpo (Pangwalong Libro)
"RESURRECTED" Pagkabuhay na Muli (Pangsiyam na Libro)
"CRAVED" Pananabik (Pangsampung Libro)
"FATED" Kapalaran (Panglabing isang Libro)
Pakinggan sa odyo ang unang serye sa Talaarawan ng Bampira
Copyright © 2012 by Morgan Rice
Lahat ng Karapatan. Maliban sa nakasaad sa “US Copyright Act of 1976”, walang parte o bahagi ng publikasyon na ito ang maaring kopyahin, ipamahagi sa kahit anong pamamaraan o itago sa kahit anong “databases”, ng walang pahintulot ng manunulat.
Ang ebook na ito ay ipinamahagi para sa inyong mga personal na kasihayan. Ang ebook na ito hindi maaring ibenta o ibigay sa ibang tao. Kung nais ninyong ibahagi ang libro na ito sa ibang tao, maaring bumili ng panibagong kopya. Kung binabasa ninyo ang librong ito at hindi ninyo ito binili, o kaya ay binili ito hindi lamang para sa inyong pansariling paggamit, maaring ibalik ito at bumili ng sariling kopya. Maraming salamat sa pagbibigay respeto sa pagtitiyaga ng manunulat ng librong ito.
Ang librong ito ay pawang kathang isip lamang. Ang mga pangalan, karakter, organisasyon, lugar at mga pangyayari ay produkto lamang ng imahinasyon ng manunulat. Kun may pagkakahalintilad ang mga ito sa aktwal na mga tao, lugar at pangyayari, ito ay pawang pagkakataon lamang.
Jacket Image Copyright Razoon Game, ginamit mula sa Shutterstock.com
NILALAMAN
UNANG KABANATA
IKALAWANG KABANATA
IKATLONG KABANATA
IKAAPAT NA KABANATA
IKALIMANG KABANATA
IKAANIM NA KABANATA
IKAPITONG KABANATA
IKAWALONG KABANATA
IKA-SIYAM NA KABANATA
IKASAMPUNG KABANATA
IKA-LABING ISANG KABANATA
IKALABING-DALAWANG KABANATA
IKA-LABING TATLONG KABANATA
IKA-LABING APAT NA KABANATA
IKA-LABINGLIMANG KABANATA
IKA-LABING ANIM NA KABANATA
IKA-LABING PITONG KABANATA
“Pisikal ba ito?
Ang maglakad at tanggapin ang katatawanan
Ng malamig na umaga? Ano, may sakit ba si Brutus,
Makakatakas kaya siya sa kanyang pagkakahiga
Upang hamunin ang nakakalalasong gabi?”
--William Shakespeare, Julius Caesar
UNANG KABANATA
Laging hindi ikinasisiya ni Caitlin Paine ang unang araw sa bagong paaralan. Nariyan yung kelangan mong maghanap ng mga bagong kaibigan, kilalanin ang bagong mga guro at syempre pa kabisaduhin ang bago mong paligid. Nariyan din yung maliliit na bagay tulad ng pagkuha ng laker at amoy at tunog ng isang lugar na di ka pamilyar. Higit sa lahat, ayaw nya ng mga titig. Pakiramdam nya lahat nakatingin sa kanya. Pinagmamasdan ang kanyang bawat galaw. Nais lang naman nyang hindi kilalanin at pansinin. Ngunit laging hindi ito ang nangyayari. Hindi maintindihan ni Caitlin kung bakit siya ay kapansin-pansin sa tingin ng iba. Siya ay hindi katangkaran at may taas lamang na 5"5', may kulay kapeng buhok at mata at normal na timbang. Para sa kanya, sya ay pangkaraniwan lamang. Lalong hindi sya kasing-ganda tulad ng ibang mga kabataang babae. Sa kanyang edad na 18, hindi ito sapat upang sya ay mapansin.
Alam nyang mayroong isang dahilan kung bakit sya nagiging kapansin-pansin. Alam nyang iba sya ngunit hindi siya sigurado kung paano siyang iba.
At ang mas masahol pa sa unang araw sa bagong eskwelahan ay ang mag-umpisa sa kalagitnaan ng semestre. Kung kailan ang lahat ay nabigyan na ng pagkakataon na kilalanin ang isa't isa. Ngayon, sa kanyang unang araw sa kalagitnaan ng Marso, nararamdaman na nya na isa ito sa pinaka-panggit na araw sa buhay niya.
Hindi niya inakalang magiging ganito kasama. Marami na siyang nakita dati pero hindi katulad nito.
Nakatayo lang sya sa labas ng pampublikong eskwelahan sa lungsod ng New York. Malamig nang umagang iyon ng Marso. Bakit ako? Sa gitna ng gulo ng daang estudyante na nagsisigawan at nagtutulakan, napaka-ordinaryo ko. Hindi siya handa. Pakiramdam nya nasa bakuran siya ng bilangguan.
Masyado silang magulo. Sobra silang maingay at magmurahan. Aakalain mong may away kung hindi dahil sa ilang nakangiti at nagtatawanan. Hindi niya maintindihan kung san sila kumukuha ng lakas. Giniginaw siya, pagod at kulang sa tulog. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Nagbabakasakaling mawawala ang lahat ng gulong ito. Sinuot niya ang earphones ng kanyang ipod pero wala na pala siyang baterya. Kinuha niya ang kanyang cellphone ngunit wala namang tawag o bagong mensahe.
Pinagmasdan niya ang mga mukha ng mga nakapaligid sa kanya. Pakiramdam niya nag-iisa siya. Hindi dahil siya lang ang nag-iisang puti. Mas gusto nga niya iyon. Mas nagiging kaibigan niya pa ang iba ibang lahi kaysa sa katulad niya. Kaya hindi ito ang dahilan ng kanyang pag-iisa. Ito ay dahil nasa lungsod siya. Isang malakas na buzzer ang tumunog para lamang papasukin siya sa "panlibangang lugar" na ito. Napapaligiran siya ng naglalakihang gates na gawa sa metal at may mga barb wire sa itaas. Pakiramdam niya talaga nasa bilangguan siya.
Madali naman sya dating umangkop sa bagong lugar. Ang pinag-kaiba nga lang ang mga eskwelahan niya dati ay mga nasa labas ng lungsod. Sanay siya sa damuhan at maraming puno. Dito ay lungsod. Pakiramdam niya hindi siya makahinga. Natatakot siya.
Isa ulit malakas na buzzer ang tumunog. Kasama ng daang mga estudyante ay nag-umpisa siyang pumasok sa pasukan ng eskwelahan. Nabunggo siya ng isang malaking babaeng estudyante na ikinalaglag ng journal niya. Dinampot niya ito at naghintay ng paumanhin galing sa babae pero hindi na niya ito nakita. Ang narinig na lamang niya ay halakhak nito. Hindi niya alam kung para sa kanya ba ang halakhak na iyon.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang journal. Isang bagay na nakakatulong sa kanya mula pa pagkabata.
Sa wakas ay nakarating din siya sa mismong pintuan. Kinailangan niyang sumiksik para lamang magkasya. Para siyang nasa istasyon ng tren tuwing kadamihan ng tao. Nais lamang niya ay hindi na ganoong kalamig sa loob.
Dalawang naglalakihang security guards ang nakatayo sa may pintuan kasama ng dalawa pang pulis mula sa lungsod ng New York. May mga baril sila sa kanilang gilid.
"SIGE LANG, PASOK!" sabi ng isa sa mga security guard.
Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang may pulis sa loob ng paaralan. Lalo niya itong ikinatakot. Dagdagan pa ng kailangang pagdaan sa metal detector. Istilo ng ginagawa sa mga paliparan.
Apat pang mga pulis ang nakatayo sa magkabilang gilid ng metal detector at dalawa pang security guards.
"ALISIN NINYO ANG LAMAN NG MGA BULSA NINYO!" sigaw ng isang guard.
Napansin ni Caitlin ang ibang mga estudyante na naglalagay ng kanilang mga gamit sa isang plastik na lalagyan. Ganun din ang ginawa nya sa kanyang ipod, pitaka at susi.
Dumaan siya sa detector. Umalarma ito.
"IKAW! DITO KA SA TABI" sigaw ng guard sa kanya.
Lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa kanya habang pinapadaanan siya ng handheld detector.
"May suot ka bang alahas? "
At doon niya naalala ang kanyang krus na kuwintas.
"Hubarin mo iyan!" sigaw ng guard.
Kuwintas ito na bigay ng kanyang lola bago ito pumanaw. Bigay din daw ito ng lola niya. Isang maliit na krus na gawa sa pilak na may nakaukit na mga salitang Latin. Hindi na ito naisalin ng kanyang lola. Hindi siya relihiyosa pero alam niya ang kahalagahan nito na daang taon na sa kanilang pamilya. Ito lang marahil ang pinakamahalagang pag-aari niya sa ngayon.
Itinaas lamang niya ito at sinabi sa guard na hindi niya ito huhubarin.
Tinitigan siya ng guard nang masama. Hanggang sa biglaan na lang nagkagulo. May mga nagsisigawan habang may isang pulis na humablot sa isang payat at matangkad na lalaking estudyante at iniharap ito sa may dingding. Nakakuha siya ng isang maliit na kutsilyo mula dito.
Tumulong ang guard na tumititig kay Caitlin. Siya namang alis niya papasok sa eskwelahan kasama ng karamihan ng mga estudyante patungo sa may bulwagan.
Maligayang pagdating sa pampublikong paaralan sa lungsod ng New York! Magaling!
Hindi na siya makapaghintay para sa kanyang pagtatapos.
Hindi siya makapaniwala sa laki ng bulwagan nila. Ganun pa man, nakuha pa rin nitong mapuno ng mga estudyante, balikat sa balikat. Tingin niya ay may libong estudyante doon. Puro mukha ang nakikita niya. At mas maingay at magulo pa dito. Gusto niya sanang takluban ang mga tenga niya ngunit
imposibleng gawin ito. Dahil sa sikip, hindi niya maitataas ang kanyang mga siko.
Tumunog ang bell.
Lalong tumaas ang enerhiya ng lahat.
Huli na siya.
Tiningnan niya ulit ang papel kung saan nakalista ang numero ng silid aralan. Nakita niya ito mula sa malayo. Sinubukan niyang sumiksik para makadaan sa gitna ng mga estudyante pero hindi itong madaling gawin. Kailangan niyang maging agresibo kung gusto niyang makaabot sa klase niya. Sa wakas, nakarating din siya sa kanya unang klase. Inaasahan niya ang mga titig dahil sa bago siya at atrasado pa. Ngunit di niya inaasahan ang kanyang naabutan. Maingay ang lahat. Marami pang nakatayo at ang iba ay nakaupo pa sa kanilang mga mesa. Kahit pa limang minuto na makalampas ng oras ng klase, ang kanilang guro na mukhang gusot na gusot ang damit ay hindi pa nagsisimula. Nakataas lamang ang mga paa nito sa kanyang mesa habang nagbabasa ng dyaryo. Hindi sila pinapansin.
Nilapitan ni Caitlin ang guro upang ibigay ang kanyang ID. Tumayo lamang siya sa harap niya, naghihintay na tumingin sa kanya ngunit hindi siya nito pinansin. Sinubukan niyang kuhanin ang atensyon nito. Doon lamang niya ibinaba ang kanyang binabasang dyaryo.
"Ako si Caitlin Paine. Bagong estudyante ako dito. Kailangan ko atang ibigay ito sayo." sabi ni Caitlin sa guro habang inaabot ang ID niya.
"Sub lang ako dito" sabi ng guro sabay basa ulit sa dyaryo niya.
"Hindi ka kumukuha ng attendance?" tanong ni Caitlin.
"Babalik ang inyong guro sa Lunes. Siya na ang bahala diyan" paaling na sagot ng guro.
Hindi siya makapaniwala. Wala siyang magawa kundi ang maghanap na lang ng mauupuan. Pero saan? Wala nang bakante. Ayaw niyang tumayo sa buong oras ng klaseng iyon. Magulo pa din ang lahat, nagsisigawan. Wala man lang nakakapansin sa kanya. Napansin niyang pati pananamit nila ay iba sa kanya. Naisip niyang umalis na lamang. Tutal wala namang pakialam yung kapalit na guro. Nung akmang aalis na siya ay may nagsalita sa likuran niya.
"Ito" sabi ng matangkad na lalaki habang nakatayo sa tabi ng mesa niya sa may tabi ng bintana sa may likuran.
"Upo ka" sabi niya ulit.
Panandaliang tumahimik ang silid. Lumapit siya sa kanya. Sinubukan niyang huwag tumitig ngunit hindi niya napigilan ang sarili niya. Sobrang ganda ng mga luntian niyang mata. Napakakisig niya. Hindi niya malaman kung anong lahi siya galing. Maikli ang kanyang kulay kapeng buhok at makinis ang kanyang balat. Mayroong bagay sa kanya na hindi nababagay sa lugar na iyon.
Hindi rin nangyayari sa kanya ang mabighani ng ganoon sa isang lalaki. Nakita niya ang mga kaibigan niyang ganun pero hindi siya. Ngayon naiintindihan na niya ang pakiramdam.
"Saan ka uupo?" kinakabahang tanong ni Caitlin sa lalaki.
Ngumiti ang lalaki at doon nakita ni Caitlin ang kanyang perpektong mga ngipin.